PANGAKO KO SA’YO, ITO!
Ang salitang “PANGAKO” ay sadyang napakabigat sa salita. Mayroon itong kahulugan na nagiging responsibilidad ng taong nangangako. Ngunit, sa paglipas ng panahon, nanababawasan na ng bigat ang salitang ito. ‘Yun bang para lang sumaya ang ang isang tao, papangakuan mo nalang. Nawala ang esensya na salitang ito. Nagiging isang “sweet talk” nalang pag nangangako ka. Isang magadang halimbawa: “Hindi kita iiwan, PANGAKO.”
alam mo na. :)
pag sinabihan ka ba niya ng “I LOVE YOU”, agad agad ka bang magsasabi sakanya ng “I LOVE YOU TOO”?
nagiging kagawian na ng marami sa’tin na may relasyon na ganito ang ginagawa. yun bang wala nang essence kung bakit sinasabi ang mga salitang ito. parang habit na kung saan, once na sinabi sayo ng partner mo yun, sasabihin mo rin yung dapat i-reply sa sinabi niya..
hindi ba dapat, kung ano talaga ang nasa puso mo, yun ang sundin mo.. hindi yung, sinasabi mo lang yung “I LOVE YOU TOO” for the sake na dahil mag-on lang kayo.
sana, sa bawat sabi mo nun, totoo yun.. hindi yung dahil may relasyon lang kayo.. dahil kahit may ka-relasyon ka, di ibig sabihin nun, mahal mo na..
sa panahon ba naman ngayun..
:))
Dating T.A.M.B.A.Y.A.N. </3
alam mo yung feeling na nakapunta ka ulit sa dati niyong tambayan na kung saan may mga moments kayo dun..
yakapan, alitan, lambingan..
kaso, wala ka nang magagawa kundi tignan nalang yung lugar, tumahimik, at umiyak na lamang..
dahil alam mong hindi na maibabalik ang dating ala-ala..
humihinga ng malamim, sumisikit ang dibdib..
ramdam ang bawat tibok ng puso mo..
pilit mong tinatanong ang sarili mo kung bakit nasasaktan ka pa rin kahit na nakapag-move on ka na..
bakit ganito?
nakikita mo pa rin ang sarili mong kasama siya sa lugar na niyakap mo ka niya pagkatapos niyong mag away..
nakikita mo pa rin ang paglalambingan niyo na hinahawak mo pisngi niya habang nakatingin sa kanya..
parang pinapanood mo lang ang ginagawa niyo nun..
pero noon lang yun.. noon na kung saan nakatatak nalang sa isipan yun..
mga moments..
ngayon, bumalik ka na sa kasalukuyan.. kung saan, tapos na ang lahat..
haay.. makabili na nga lang ng ballpen.. :)
#happymoments <3
End of FINALS. :D
Grabe yung SCL kanina. Lalo na yung Diagram! Akalain mo yun, dadalawa ang asawa. HAHAHA! :))
Kumbaga sa FILES, kailangang may BACK-UP!! :))
tsk tsk tsk.
I miss Tumblr. <3
sa bilyong taong nandito sa mundo, masasabi kong ako ang pinakamasayang tao sa araw na ito. di ko masasabi na baka mayroon pang ibang tao diyan na nag-aassume na sila din ang pinakamasaya, wala na kong magagawa dun. hindi ko na rin sila papakialaman. basta ako.. masaya.. :)
and here it goes..
sa araw na ito, may meeting kaming magkaklase sa thesis. at ang plano ko pagkatapos noon ay mag-meeting naman para sa SAD. it happened, well, kinda late lang sa SAD kasi maaarte ang mga prof. kasi ba naman, parang tamad sila para maging panelist namin para sa thesis. i’m not mentioning names.. “NAMES”.. with an ‘S’! :))
and ayun, umalis na ko sa UST at pumunta kina Donna. Nagbibiruan kami ni Donna sa text habang bumibyahe ako. sabi niya: “EVICTED NA KO” sa group. basta, nagbiruan kami, yun na yun. hanggang sa nakarating na ko sa kanila.
But before yun, na-realize kong di pa pala ako kumakain ng lunch nung napadaan ako sa Jolibee malapit sa kanila. Imbis na kumain, dumeretso pa rin ako kina Donna. Well.. may stock pa naman ako sa tyan.. :P
Nung nasa kanila na’ko, ayun, gumagawa na sila sa SAD. Halos kakarating lang din nila.. So, no problem. Mahihiya sana ako kasi medyo late na ko nakapunta eh, buti nalang, kakarating rin nila. :)
Tinanong ako ni Donna kung kumain na ko.
“Kumain ka na?” sabi niya.
*shook my head* “Hindi pa eh.”
“Kumain ka na kaya… .. .. ” (medyo nakalimutan ko na yung mga sinabi niya eh. pasensya naman)
Mga ilang minutong nakalipas, niyaya ako ni Ate Dana, ate ni Donna, na kumain.
Kumain naman ako. mga 3 na Gardenia. Slices. Hindi pack. :)
then, inom ng tubig. Balik ulit ako sa kinauupuan ko kanina at nagbasa.
Mga ilang minuto ulit, kinausap ulit ako ni Donna:
“Kumain ka na kaya.” sabi niya.
“Tapos na.” :) sabi ko.
sagot ng ate niya, “Nagtira pa siya ng dalawang tinapat oh.” (di ko na rin maalala yung mismong sinabi ni ate sa part na ito.)
“Tara! May spam dun. Lika.”
Let’s pause for a while.
Dito sa part na ito, let’s imagine na nangyayari ito frame by frame. Kumbaga, in slow motion. :)
Let’s continue.
“Tara! May spam dun. Lika.”
Napangiti ako, kasi minsan lang may mang-alok sa’kin sa kahit anong bagay. Well, nung dati, nagyaya din siya kumain kami pero this is different eh.
Lumapit siya sa’kin pagkatapos niyang sabihin yun sabay hawak sa kamay ko.
…sabay hawak sa kamay ko.
…sabay hawak sa kamay ko.
…sabay hawak sa kamay ko.
(Oops, sorry, pirated. :P)
Lumapit siya sa’kin pagkatapos niyang sabihin yun sabay hawak sa kamay ko.
Hinila niya ko papunta sa kitchen nila.
Lalo na naman akong napangiti sa part na ito. Napatayo nalang ako at sinamahan ko siya sa may kusina na kung saan nakalagay yung oven nila. Na nandoon yung spam.
..basta, ganito nalang, in short, pinaghandaan niya ko ng pagkain..
YUN YUN EH. :)
:”>
Dito mag wowork ang tinatawag na…”RELATIONSHIP”.
Iba magmahal kung ISIP ang ginamit.
Well, laging LOGICAL kung magdesisyon. Kung TRUE ang result, papayag. Kung FALSE, malamang hindi. Di siguro nararamdaman kung ano ang mararamdaman ng ka-partner. Siguro, papaniwalaan niya kung ano ang TAMA sa tingin ng tao. Kung ano ang TAMA, yun lang ang gagawin. Kung ano ang MALI, yun ang di dapat gawin.
Iba naman magmahal kung PUSO ang ginamit.
Ito, laging EMOTIONAL. Sa lahat ng bagay. Kung TAMA, maaaring maging MALI ang kalalabasan. Kung MALI naman, nagagawang TAMA. Siguro, wala rin itong pakialam kung ano ang tingin ng ibang tao sa mga bagay na bumabalot sa ka-partner niya. Basta ang alam niya, masaya siya, masaya ka.
Mas iba naman kung parehas PUSO at ISIP ang ginamit.
Ito ang napakahirap na uri ng tao. Hindi dahil sa walang pera, kundi dahil wala siyang basehan kung ano ang TAMA o MALI. Di pwede TAMA=TAMA, di rin naman pwede TAMA=MALI. Umaasa nalang siya kung ano ang intindi sakanya ng ka-partner niya. Di niya kontrol kung ano ang magiging resulta ng lahat ng pinaggagawa niyang desisyon. Di niya alam kung ano mangyayari sa susunod na araw. Well, ito ang mas challenging. Dito mag wowork ang tinatawag na…
“RELATIONSHIP”.
<BOW>
Thank you! Thank you.
Parang magandang gawing istorya ito ah..
Why LOVE is so COMPLEX?
Diba kung COMPLEX ang isang bagay, mahirap intindihin, mahirap unawain. Lalo na kung dalawa pa kayong tao ang nakadama nito (LOVE). Di mo alam kung infatuation lang ba yung nararamdaman mo sakanya kasi nagagwapuhan ka sakanya, or nagagandahan nang husto. Yun bang di mo malaman ang gagawin mo pag nakita mo na siya or what. Lalo na pag nakatabi mo pa. Tapos gusto mo talagang malaman yung pangalan niya, number niya, or kahit kung saan siya nakatira. KALOKA, diba?!
Lalo na rin kung magkatext pa kayo at sasabihin niyang, “IKAW lang ang ka-TEXT niya.” di ba? At lalo na rin kung magkausap pa kayo di ba, nagkapuyatan.
Pero may mga bagay, sa bawat kasiyahan, may kalungkutan na naghihintay.
For example:
Ramdam na ramdam mo na. As in, feel na feel mo na (inulit lang?). Na may gusto din siya sa’yo. Kasi nagiging masaya siya sa’yo kapag nakakatext ka niya or nakakausap. Kasi ikaw lang ang binibigyan niya ng TIME na kung saan ito ay SPECIAL para sakanya. Tapos, ito na ang time ng pagtatapat. Na sasabihin mo na sakanya. As in parang nagload ka pa ng medyo mahal para makapag unli call lang.. kahit minsan hindi pumapasok sa 8888. Para masabi mo lang yung nararamdaman mo, yung tunay na nararamdaman mo sakanya.
Kaso, parang gumuho na yung mundo mo na after mong sabihin yung nararamdaman mo sakanya, naririnig mo siyang umiyak at sinabi niya sayo na, may mahal na raw siya. Na hindi niya muna sinabi sayo dahil nung oras na nagkakilala kayo, magkaaway sila, yun bang gusto niyang makalimutan muna na may BF siya. At isa pang dahilan kung bakita ayaw niyang sabihin na may BF siya dahil gusto niyang makasama ka pa rin dahil ikaw lang nagbibigay sakanya ng kasiyahan na hinahanap niya sa BF niya.
Gusto mo nang ibaba yung cellphone pero di mo magawa, kahit na nataksilan ka na, nasaktan ka na.. Kasi nandun pa rin yung feelings mo para sa kanya eh.. Naaalala mo pa rin yung mga tawanan niyo. Kahit na sa cellphone lang kayo nag uusap, you still treasure it. Pero gusto mo nang kalimutan dahil alam mong masasaktan ka…
<Parang magandang gawing istorya ito ah..>
<saka ko nalang itutuloy>
RUR.
Di lahat nakabase naman sa mga opinyon ng tao. Opinyon ito, hindi ito makatotohanan. Kung ano man ang sabi ng isa, iba naman ang pananaw ng ibang tao. Maaaring di ka sumang ayon dahilan sa nasaktan ka, o nasaktan ka dahil parte ka ng bagay na iyon.
Ang sa akin lang, ang opinyon ay isang opinyon. Kung kabaligtaran ang paniniwala mo sa sinabi niya, ipakita mong mali ang naging opinyon niya. Hindi sa paraan ng pagdagdag ng mura sa mga comments, sa pag-ANON sa blog niya na panay mga negatibong salita ang nilagay mo, at marami pang iba. Alam kong nasaktan ka sa mga pinagsasabi ng batang yun, OO, pati rin ako. Pero isipin mo, opinyon lang niya yun. Kung isa ka sa mga taong “minura” siya gamit ng comments sa FB at mga nag-ANON sa Tumblr, tanungin mo sarili mo. Taga-UP ka ba talaga? Taga-UST ka ba talaga, which is known the “CATHOLIC” University sa ‘Pinas? Taga-CSB ka ba talaga?
Masakit ang nakakarinig nang masasakit na salita na alam mong mali.
Pero ipakita natin na hindi mali yung mga salitang binitawan niya.
Di tayo uunlad pag ganito tayo kababaw na humarap sa mga bagay na ganito.
Read. Understand. Reflect.
~RUR.
Reply para sa galit. :P
Di naman porket UST, bobo na kaagad.
Look at you, look at your post…
UST is a CATHOLIC CHURCH?!
sino ulit bobo?
palakpak tayooooo!! :)))
We’re talking VALUES here. Tignan mo, mga KILALANG TAO na NABABALITA na PULITIKO na NANGUNGURAKOT, saan sila nag-aral?
magagalit ka nalang, katawa-tawa pa.